5/21/11

My First DSLR (sort of)

...


Canon 7D

 



____________________________________________________________


Now, here's the fun part :)






...

5/20/11

You are now friends with me

...

Gusto kitang i-add as a friend.
Mabubuhay tayo nang masaya.
Magpo-post ako sa wall mo araw-araw,
kahit wala namang kakuwenta-kuwenta.
Kukunan kita ng pictures.
Ia-upload, ishi-share at ita-tag.
Kapag ni-like mo ang litrato ko,
ila-like ko rin ang comments mo.
At baka sakali, i-like na rin kita.

Minsan isu-superpoke kita
o iimbitahang magpalaki ng gulay at mga baka.
Padadalhan kita ng PMs, links at videos
na tingin ko ay cool at di mo pa nakikita.

Mabibilib ka sa akin kasi astig ang mga posts ko, at vice versa.
Kahit "tumatae" ang status mo, ila-like ko na rin, kasi friends tayo.
Sasabihan kita ng "astig", "galing", "congrats", "lols" atbp. sa comments,
kahit hindi naman talaga tayo nakapag-uusap sa totoong buhay.
Single, in a relationship, engaged, married, it's complicated,
in an open relationship, widowed, separated, divorced.
Ipakikilala kita sa ibang mga kaibigan ko,
na kahit ako mismo ay hindi ko pa nakikilala.

Kasi dito sa FB, friends tayong lahat.
Kailangan mo lang i-confirm.
Mayroong white list ang pakipagkakaibigan dito,
at ia-add kita sa listahang ito para lahat tayo ay masaya.
Dito kita tunay na makikilala para kapag sa totoong buhay na,
close na tayo kasi friends na tayo bago pa tayo magkita.


...