...
Wag na malungkot
Hindi naman kailangan na ganito
Ang lahat ay may hangganan, nakatali sa pinagmulan
Ang pait ng ngayon ay bahagi ng kaligayahan ng kahapon
Wag kalimutan mga masayang sandali
Wag mag-alala kung ang iba'y nananatili sa nakaraan
At ang iba’y aalis dahil sa kasalukuyan
Pag-ibig ay duyan, madalas pagtuonan ang pait lang ng ngayon
Di na nabibilang, napag-iisipan ang mga masayang sandali ng kahapon
Ito na ang huli
At di mo na mababawi
Pilitin man ay di na kayang pigilin ang ihip ng hangin
Ito man ang huling gabi ng ating pagsasama
Ang bukas ay nag-aabang na
Napapangiti ka pa ba ng ulan?
May pangarap bang walang dahilan?
Ito na ang huli.

-VD
.
.
No comments:
Post a Comment