7/29/10

Fave Films

Sharing a few films/animations that made me smile and wouldn't hesitate to watch over and over again. These are what I can remember in random order so far so I might add some more later.




























7/19/10

300 pesos

So ganito yun, wag na nating landian.

Nagpunta ako sa bangko nung isang araw para kuhanin ang budget para sa isang aktibidad sa opisina. Mamimigay daw ng SPA Gift Certificates para sa mga papasok ng maaga. Maraming ibibigay na certificates. Lahat-lahat, P35,000. Andami ano?

So ayun, lunchbreak nakapila ako sa bangko. Andaming kaperahan sa teller. Bulto-bulto ang wini-withdraw. Mahaba ang pila. Nakaupo na ako dun sa mga upuan kasi walang number system ang pesteng bangko kaya kelangan mong pumila habang nakaupo, palipat-lipat.

Biglang may pumasok sa bangko na dalawang matandang babae. Pumunta dun sa kuhanan ng deposit slip at nagfill-up. Maya-maya nakita nila yung pila. Hindi nila alam kung anong gagawin. Parang first time nilang magbangko kaya nagtanong sila sa guwardiya.

Guard: Ano yun?
Lola 1: Magdedeposito po sana...
Guard: Magkano ho ba?
Lola 2: Tatlong daan ho...
Guard: Dumerecho na po kayo dun sa teller 1... ayan po, jan...

300 pesos.

Binilang nung teller. Nakakunot yung noo niya. Ewan ko kung bakit. Basta habang binibilang niya nang dahan-dahan yung tatlong piraso ng isang daan ay maraming pumasok sa ulo ko kung bakit hindi mapinta mukha niya.

Baka may regla. Baka di pa kumakain ng tanghalian. Baka ayaw na sa trabaho. Baka naiinis dahil di pa siya nakakapagpagupit ng buhok sa Tony & Guy. Baka naiinip na siyang umuwi at manood ng sine sa The Fort. Baka gusto niya ng Max's unlimited chicken. Baka gusto niya ng bagong dress para pang-date. Baka gusto niya munang magbakasyon sa Hong Kong. O kaya sa Singapore. Baka gusto niyang magpa-party sa birthday niya. Baka gusto niyang uminom ng beer kasama highschool friends niya. Baka kulang pa yung naipon niyang pera. Baka hindi niya alam kung anong bibilin niyang kotse. O kaya kung san siyang subdivision bibili ng bahay. Baka hindi siya masaya sa buhay niya. Baka hindi siya masaya.

Lahat ng ito naisip ko hanggang sa bumagsak ang huling piraso ng 300 pesos na dinideposito ng dalawang matandang babae.

300 pesos. San kaya galing yun? Para saan kaya yun?

Tapos tinawag na ako ng teller at na-withdraw ko na ang P35,000 ng kumpanya pambili ng Spa Gift Certificates para sa mga maagang papasok sa opisina.